Friday, November 27, 2009

text message!

26th november 2009

i received this text message a while back and i thought it was really hilarious (not in comparison to melanie marquez's "slips"). so i decided to share it with everyone.

hey, there's no copyright in so might as well get a few chuckles out of it, right?
enclosed in parentheses are my personal comments about them. it's just a short message so this is going to be a short entry... =p

*mga kamalditahang banat*
(oh di ba? title pa lang exciting na!)

"ako? i was born beautiful... ikaw? you were just born."
(ang saya nito. parang ang sarap gamitin pakikipagtarayan at wala ka ng maikuda sa kaaway mo... dapat pagkatapos mong sabihin 'to, bigla kang smile
ala-julia roberts para lalong pang-asar hehehe)

"when i saw a friend i haven't seen in a long time, she told me, 'grabe lalo kang tumaba...' so i told her 'ikaw din lalo kang pumangit'"
(so far naman wala pang nagsasabi sakin na lalo akong tumaba. on the contrary palagin "ang payat payat mo na" ang sinasabi sakin ng mga kakilala ko na mejo matagal
kong hindi nakita. pero siguro pwede rin sabihin 'to kahit payat ka)

"kapag sinigitan ako sa pila, nagpaparinig ako. i say 'ang pilang 'to according to beauty, mga pangit muna.'"
(ainaku... dito talaga nag-iinit ang ulo ko. sa mga taong mahilig sumingit sa pila, nakakaasar kayo. may mga tao kasi na nagpakahirap sa pila at mejo nagmamadali din
naman tapos bigla kayo pipila? ainaku. nag-aral ako sa PUP at sanay na sanay ako sa mga ganyan. pero narealize ko na hindi naman kelangan sumingit sa pila kasi kapag
pumila ka naman, magagawa mo rin ang dapat ming gawin... mejo matatagalan nga lang)

"maliban sa mukha mo ano pang problema mo?"
(masarap sabihin 'to sa mga taong epal at assuming. yung akala nila sila na ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa... eh ang totoo, sila ang lupa sa balat ng hayop... hahaha ui nakaword play hahaha)

"tuwing nakikita kita gusto kong mag-sorry sa eyes ko!"
(ang lupet ng linyang 'to... hehehe pero hindi ito ang favorite ko. magandang sabihin 'to sa mga taong nagpupumilit sa'yo... hehehe yung sinabihan mo nang ayaw
mo pero pilit pa rin ng pilit... yung hindi mo binigay yung number mo, hindi rin binigay ng mga kaibigan mo, pero nalaman niya ang number mo... uiii parinig...
hahaha alam ko namang hindi niya 'to mababsa hahaha eto na yung favorite ko...)

"a friend once told me 'ang ganda mo!' i answered 'sana ikaw din!'"
(no further questions, your honor.)

No comments:

Post a Comment