Friday, September 18, 2009

wonderful lines

i received this e-mail long age but because i wasn't really a fan of the show, i didn't pay much attention to it however, since i'm bored to death here at work, i decided to read it... i had a few laughs which led my colleagues to the conclusion that i am indeed a special child (of course i couldn't tell them why i was laughing because they'll know i have internet access).

hope you guys know this... enjoy!

BEST LINES FROM THE TELESERYE
"IISA PA LAMANG"


(P.S. i'm not familiar with thenames of the characters but i do know that
Scarlett is Angelica Panganiban
Isadora is the fabulous Cherry Pie Picache
Katherine is Claudine Barretto and
Sophia is Melissa Ricks...
the rest, i don't know... and also there are lines where the speaker was not identified... what the heck, just feel free to recite the lines in full taray mode... i hope the writers doesn't sue me)

Alam mo bibinyagan na lang kita ng bagong pangalan 'Mrs. Katherine Maperang-mapera y Huthutera viuda de Impostora!

Katherine: Ikaw lang ang alam kong may kakayahang pumatay ng tao, Isadora!
Isadora: Well, I'm flattered!

Bakit ako magrereport sayo? Anong palagay mo sakin, reporter?

Ba't ang daming bobo? Ang bilis naman nila manganak!

Isadora: Masahol kapa sa dumi ng putik!
Katherine: Kung ako ay putik, ikaw ang imburnal... o say mo? Mas madumi yun kesa sa tae!!

Lola Aura: Magkaka-patayan tayo, Isadora!
Isadora: Dahan-dahan ka dyan sa wini-wish mo. Baka magkatotoo!!

Hindi ako defensive... . offensive ka lang!

Talaga nga namang may pakpak ang balita at my tenga ang lupa. O talagang chismosa ka lang?

Perfect ako pero nagkakamali rin...

Isadora to Rolando: Aalis ka ba dyan (dahan-dahang hinuhugot ang baril sabay tutok)? O babarilin ko yang bad trip mong mukha??

Isadora: School, school, school. Puro ka na lang school. Kita mo namomroblema nga ako eh! Ikaw talaga napaka-selfish mo!
Sophia: Ma, may mga tao!
Isadora: Naku, lintik na! -- ay, si Aura lang pala... kaya ko 'to!

Sophia: Mommy, tama na. Hindi ako bulag.
Isadora: Oo, alam ko. Hindi ka bulag. Pero sana pipi ka nalang kasi naririndi na ako sa mga pinagsasasabi mo.

Isadora: Anak, dapat mag-English ka!
Batang Sophia: Mommy, bakit ko naman kailangang mag-English! Nakakaintindi naman sila ng Tagalog!
Isadora: Ano ka ba? Lahat ng mga mayayaman dito sa Maynila, nag-e-English! Remember, isa kang Castillejos, kaya dapat mag-English ka rin!
Batang Sophia: Ayaw ko Mommy!
Isadora: Haay naku! Kapag sinabi kong mag-English ka, Mag-English ka!

Isadora (to Sophia): Anak, dapat magpa-party ka! Isa kang Castillejos - mayaman, maganda, sosyal!

Katherine: Hindi ba't pareho lang tayong nakikinabang sa mga yaman ni Martin!
Scarlett: Anak ako! Dugo't laman!
Katherine: Anak ka lang. Asawa nya 'ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pag-aari ko na ngayon.
Scarlett: You're just a GOLD DIGGER IN RED!
Katherine: DAMN YOU!
Scarlett: SAME TO YOU, ANAK. Same to you.

Scarlett: Ano ba 'yan! Nagsi-swimming ka lang naka-diamonds ka pa!
Katherine: Siyempre, DIAMONDS ARE FOREVER… LIKE ME!!!

Estelle (to Rafael): You're in love with somebody else, and THAT SOMEBODY ELSE IS NOT WORTH IT, RAFAEL!

Isadora (to Katherine): Wow! Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine. ANG SARAP MONG PATAYIN!

Isadora (to Katherine): Ahhhhh… Mataray ka na ngayon ah, di naman bagay.

Isadora (to Katherine): Kung gaano ka katayog lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak. OUCH!!!

Katherine: Senior Vice President ako ng kumpanyang ito. Ako ang legal wife ng may-ari ng kumpanyang ito, tauhan lang kita! At higit sa lahat, madrasta mo ako! Kaya layuan mo ako. Get out of my sight! Leave! Now!

Scarlett (to Katherine): Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong MERRY WIDOW IN BLACK!

Scarlett: Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!
Katherine: Bakit ka nga ba nakaputi? PARA PAGTAKPAN ANG MAS MAITIM MONG BUDHI?

Katherine: Ako bang pinariringgan mo? Kung ayaw mo sakin, simple lang naman eh. Di umalis ka!
Scarlet: Ako pa talaga ang pinalayas mo? Kahit saan tayo makarating, sampid ka lang! At ako ang tunay na Dela Rhea!
Katherine: Bakit? Sino bang nagsabing "mixed breed" ka?
Scarlett: Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang 'to, hindi 'to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa 'yo!
Katherine: SIGE! MAGLARO TAYO! AGAWAN NG YAMAN! Pero kung ako sa'yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?

Katherine: Gusto mo ikaw ang itali ko? Pa-sweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!
Katherine: Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora. Pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!

Katherine: Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?
Isadora: Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!
Katherine: SABAGAY, AYOKO SA'YO! MUMURAHIN KA EH! Pero yung anak mo ibebenta mo ha?! Sige na! PROMISE, HINDI AKO TATAWAD Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.

Katherine: Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo IHAMPAS KO 'TONG BAG KONG MAS MAHAL PA SA'YO!
Isadora: SABAGAY, AKO RIN EH! PAGOD MAKIPAGHAMPASAN. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha?

Katherine: (to Scarlett, parinig kay Isadora) Pakisabi sa bisita mo, ayokong nangangamoy basura ang bahay ko.

Katherine: Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!
Sophia: Don't you dare say bad things about my mother! KUMPARA SA'YO ANGHEL ANG INA KO!
Katherine: Anghel na may sungay!
Sophia: Oo, may sungay. PARA SUWAGIN KA! PARA MAUNA KA NA SA IMPIYERNO!
Katherine: Hmm… Matagal-tagal na kayong inaantay dun. IN FACT, BALITA KO, SI SATANAS MISMO ANG SASALUBONG SA INYONG MAG-INA!

Lola Aura (to Katherine): Panandaliang donya, habang buhay na busabos!

Scarlett: Mamamatay tao ka! You killed my father!
Katherine: KUNG MAY GUSTO AKONG PATAYIN, IKAW YUN SCARLETT!

Isadora (to Kumare): Haay naku Mare! Alam ko ang kuwento tungkol dyan. Bayaan mo at sasabihin ko sa'yo… PERO, BAWASAN MO MUNA NG 10,000 UTANG KO SA'YO!

Scarlett: Gusto kong makita na luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!
Miguel: KUMAIN KA NA. GUTOM LANG 'YAN!

Isadora: Oh aren't you excited to see me?
Scarlett: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?
Isadora: Ikaw naman, nagpapaka-funny. KUNG ANG LAHAT NG BULOK NA NGIPIN AY KASING GANDA KO, O DI WALA NG BIBILI NG TOOTHPASTE… I'M SO WITTY!
Scarlett: Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? BUSINESS? MONKEY BUSINESS?
Isadora: OO, AT NAPAKADISENTENG MONKEY BUSINESS! Politics.

Isadora: Ba't mo ko sinampal, biyenan mo ko!
Scarlett: Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan! Di lahat ng biyenan pinapatulan! Para yan sa mga BIYENANG BAKULAW tulad mo!

Scarlett (to Katherine): Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng DIRTY MISTRESS IN DIRTY BROWN.

Scarlett (to Katherine): Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. DAMN YOU, DAMN ME. KARMA'S A BITCH AND SO ARE WE!

Isadora: (nang maghihirap na) Hay, eto pala ang feeling ng hampas-lupa. Kaloka!

Isadora: (nang mawala na ang mga ari-arian) Ito na kasi ang uso ngayon. Oh diba ang ganda? Very minimalist!

Katherine: Walang hiya ka Isadora! 'Pag napatunayan ko na may kinalaman ka sa pagkamatay ng tatay ko, papatayin kita! Papatayin kita!
Isadora: PWES PUMILA KA MUNA DAHIL MARAMI NANG NAUNANG NANINIGIL SA AKIN! AT MAS NAKAKATAKOT SILA KAYSA SAYO!
Sophia: Shut up Katherine!
Katherine: Ikaw ang shumut-up dyan!

Mortgage Agent: Kayo po ba si Isadora Castillejos?
Katherine: Bakit?! MUKHA BA AKONG DEMONYO?!

Katherine: Hay naku Isadora! Si Miguel? Kawawa naman si Miguel. Walang kalaban laban kay Rafael. Talo na siya kay Rafael! Kaya kung ako sayo, sumuko ka na.. Dahil kung meron mang dapat lamunin ang kumunoy, ikaw yun Isadora. Yun ay kung hindi ka isuka ng kumunoy na sinasabi mo…
Isadora: Hmm… Kagaya ng pagsuka sayo ni Estelle Torralba? Huwag ka ngang feeling Katherine! Dahil hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Rafael. At kahit si Rafael ang manalong congressman ng Amadesto, sigurado akong hindi ikaw ang mapipiling first lady…

Reporters: Ano ba ang mayroon kay Miguel Castillejos na wala si Enrique Torralba?
Isadora: Cuteness at kabataan!

Isadora: Alam mo naman ako, kung saan yung ligaya at sarap, nandun ako!

Isadora (to Estelle, Rafael, and Reporters): So... May the best and cutest congressman win..."

Isadora: Masyado ka kasing pa-involved!

Isadora: Katherine... WHAT A BWISIT SURPRISE!

Scarlett: From now on, may bago na akong motto: NEVER SETTLE FOR SECOND BEST BECAUSE I AM THE BEST!

Isadora (to Katherine): Scarlet was wrong about you, you're not a gold-digger. .. YOU'RE A LEECH! ALAM MO BA KUNG ANO ANG LEECH? Linta! Isa kang LINTA na kumakapit at umuubos ng kabutihan ng isang tao!

Secretary: Ma'am, di po talaga pwede. Wala po kayong appointment.
Isadora: Anong appointment? Hindi ko kailangan ng appointment. Gusto mong sapatusin kita dyan?!

Isadora: Alam mo Rafael, akala ko pa naman, matalino ka! Pero pagdating kay Katherine, BOBO KA! MAKAALIS NA NGA RITO AT DUMARAMI KAYO!

Isadora: Inday, pakisagot ang telepono!
Manang Elvie: Ma'am hindi po Inday ang pangalan ko, Elvie po…
Isadora: Ah ganun ba… PWES, INDAY! PAKISAGOT ANG TELEPONO! AT KAPAG HINANAP AKO PAKISABI, PATAY NA AKO!

Isadora: Ano na namang gimik ito ha?!
Manang Elvie: Mam, aalis na rin po ako dito... ilang buwan na ding hindi niyo po ako sinesweldohan eh!
Isadora: Aba ! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob ha?! So paano? Pera-pera na lang?! Hindi mo ba naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan at nakatikim ka ng corned beef dahil sa akin ha?!
Manang Elvie: Eh wala na rin po akong makain dito....
Isadora:: Hoy, anong wala? Eh di ba, kayo ang umuubos ng grocery ko? Ha? Di ba? Kapal ng mukha nito, tapos ngayon magmamalaki- malaki ka na? Sige! Gusto mong lumayas sige... lumayas ka! Layas! Huwag ka nang babalik dito! Layas!

Scarlett: I'm not your cash cow anymore...

Isadora: Nakidnap si Katherine! (smile) Sabi na nga ba't tama ang horoscope ko. Today is my lucky day!

Miguel (to Scarlett): Lagi mong sinasabing karma's a bitch. Look at what happened… Na out-karma ka na, na out-bitch ka pa.

Isadora: Di pwedeng mawala sa akin ang Amadesto. Di pwedeng mapunta yun kay Aura! Anong gagawin niya dun? Home for the aged?

Isadora: Yes, I'm one in a million! I'm one in a million pesos!

Isadora (to Vernon , Jestoni Alarcon): Ikaw naman! Sa lahat ng kriminal na kilala ko eh, ikaw ang pinaka-honest!

Isadora: Buntot mo, hila mo!
Lola Aura: Oo, may buntot ka nga! Buntot ni satanas!
Isadora: Oo tama ka! Kaya mag-ingat ka. Baka mahagip ka nito at tumilapon ka! Kasama ng apo mong haliparot!

Sophia: Ma, naputulan tayo ng kuryente.
Isadora: Sus, ito naman. Sabihin pa ba ang obvious?

Isadora: Gusto mo ipag-bake kita ng pizza? (Laugh) Wala tayong pizza. Ipagbubukas na lang kita ng de lata.

Isadora: Katherine Ramirez, Viuda de dela Rhea... Torralba? Hahaha. ILUSIONADA DE PRIMERA

Isadora: (nagsindi ng kandila) Sa lahat ng mga namatay, ikaw lang ang pinagsindi ko Rolando... Walang hiya ka, ang lakas mo sa akin! O siya, hanggang dito na lang Rolando at baka matunaw pa ako sa harap ng birhen. Rest in peace na lang.

Isadora: Hoy! Pati ba naman basura hahalughugin niyo!
Police: Maaring nandito ho ang pumatay kay Rolando Ramirez.
Isadora: Nandyan? Nandyan sa basura? KAKASUHAN KO KAYO NG HARASSMENT Kakasuhan ko kayo ng harassment, tsaka stupidity! Pati ba naman basura papatulan nyo!?

Scarlett: Misery loves company. You're Misery no. 1, and I'm Misery no. 2.

Isadora: Tumigil ka muna sa pag-aaral.
Sophia: Ma?! Pa'no 'yung education ko?
Isadora: Anong education? 'Yung nagtitinda nga ng kalamay diyan nakakatapos ng pag-aaral.

Katherine: Ikakasal na ako sa isang disenteng lalaki. Hindi na ako dapat nagpapa-eskandalo sa mga babaeng sinasapian ng asong ulol. dahil sa selos. Kung gusto mong magkalat ng rabies, wag dito!
Scarlett: Hahaha! Ako, parang asong ulol? Huwag kang mag-alala Katherine dahil hindi ako ang sasagpang sa iyo kung hindi ang mga preso sa correctional na gustung-gusto ang mga tisay na katulad mo. Hinihintay ka na ng selda mo.

Scarlett: Huwag kang mag-alala. Baka naman pwede mo pang gapangin 'to. Bakit hindi mo pakasalan ang piskal o kaya ang judge para ma-abswelto ka na naman? Or else ang dating gold digger in red, MAGIGING JAILBIRD IN ORANGE! Hahahaha! Nakakatakot! Hahahaha!

Isadora: Hay naku Katherine! WALA NA AKONG PANAHONG MAKIPAGBALAGTASAN NGAYON! TAPOS NA ANG LINGGO NG WIKA! DI KA BA NAABISUHAN?!

Isadora: Ako? Kelan ba naman ako naglaro ng marumi?

Scarlett (to Katherine): Pagod na kasi akong makipag-agawan ng yaman… Ngayon, agawan naman ng mapapangasawa!

Scarlett: Gusto ko pang makipaglaro! BAHAY-BAHAYAN… YAMAN-YAMANAN… AGAWAN NG YAMAN...
AGAWAN NG ASAWA...

Estelle: Nagbago na isip ko sa pagbili ng hacienda
Isadora: Sige na Mare… Presyong kaibigan naman… May kasama pang kabayo….
Estelle: EH TALAGA NAMANG MAY KABAYO DUN!
Estelle: At wala akong alam sa pagpapatakbo ng hacienda
Isadora: Mare tutulungan kita. MAY MGA SEMINARS AT WORKSHOP NAMAN… Pwede kitang samahan.

Isadora (to Estelle): Mare baka puwede mo naman akong pautangin? Di ba close naman tayo!

Isadora (to Estelle): Haay naku Mare! Mabuti pa kumain na lang tayo! Treat mo ako ha! AT GUSTO KO YUNG SA CLASS!

Estelle: Mare, ang dami mo nang nainom! Ngayon ka lang ba nakatikim ng wine na 'yan?!
Isadora: Ano ka ba Mare? Marami kaming ganito noong Pasko! IPINAMIGAY KO NGA LANG!

Katherine (to Scarlett): Hindi mo pa ba alam? Ako ang witness laban sa'yo? ANO PANALO NA BA AKO O GUSTO MO PANG MAKIPAGLARO?

Lola Aura: Lupa lang ba ang gusto mo? Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: HACIENDERA AKO AURA, HINDI HARDINERA!
Lola Aura: Magumpisa ka ng matakot Isadora. Dahil kaharap mo na ang tunay na may dugong castillejos!
Isadora: At baket ako matatakot? Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Lola Aura: Ang duming ito ang siyang pupuwing sayo...
Isadora: Kung gayon... EH DI MAGSHE SHADES AKO!

Isadora: Bakit mo naman ipinamimigay ang lupa sa mga yan? Baka wala nang matira sa akin!
Aura: Sila ang nagpakapagod diyan. Kaya may karapatan din sila dyan!
Isadora: Alam mo Aura hindi ka nag-iisip! Negosyo ang haciendang ito! ANONG GUSTO MO? PUMALIT KAY ROSA ROSAL?

Scarlett: Walang hiya ka!
Katherine: Mas walang hiya ka!
Scarlett: Whore!
Katherine: Adultress!
Scarlett: Home-wrecker!
Katherine: Slut!
Scarlett: Black widow!
Katherine: Desperate housewife from hell!

Katherine: Ako na ang nagma-mayari ng Dela Rhea Foods! At gusto kong tawagin mo akong Ma'am!
Scarlett: At kanino ka naman nakakuha ng malaking pera? Wala kang pera! Sabagay, mukha namang kumabit ka na naman sa isang matandang mayamang madaling mamatay! ONCE A SLUT, ALWAYS A SLUT!
Katherine: Ang hirap kasi sa'yo, hindi mo kinikilala kung sinong babanggain mo! By the way, pagpasok ko, GUSTO KONG IPAGTIMPLA MO AKO NG KAPE. YUNG BLACK! YUNG VERY BLACK! SIMPAIT NG BUHAY NA IPAPATIKIM KO SAYO!
Scarlett: GO TO HELL!!! GO TO HELLL!!! GO TO HELLL!!!
Katherine: I'LL SEE YOU THERE!!!

Scarlett: Anong gusto niyong palabasin? Na mas magaling sa akin yang Katherine na yan?
Katherine: (papasok sa pinto ng conference room) Oh yes!!!

Scarlett: ISA KANG PUTIK!!!
Katherine: Bago mo pansinin ang putik sa mukha ko, PANSININ MO MUNA YANG PUSALI SA MUKHA MO! ANG BAHO!!! NANGANGAMOY NA!
Scarlett: Ang naamoy mo ang labi ng tatay kong pinagmumultuhan ka dahil sa kababuyan mo!
Katherine: UMALIS KA NA SA TRONO MO, DAHIL NAGBALIK NA ANG TUNAY NA REYNA!

********************
i wish this show is still showing... however, i'm just too late... i should've watched it back then...

No comments:

Post a Comment